Sunday, December 24, 2006

Maligayang (Maligalig na) Pasko - Mula Kay "Deng"


dahil pasko ngaun, lagi nating naiisip
'may nakakaisip kaya sa akin?'.
naaalala natin ang mga paskong nagdaan at ang mga taong lumipas.
muli nating hinahagilap ang alaala ng mga nawala na.
ilan na bang mahal mo sa buhay ang pumanaw o kaya'y naglaho na na parang bula?
ilan na bang mga kaibigan ang iyong hindi na nakakausap o nakikita? sa tingin mo naaalala ka pa ba nila?

hay ang pasko nga naman...
ilang pasko ba sa buhay mo na ikaw ay naging tunay na masaya? na natanggap mo ang iyong mga hiling? naalala mo pa ba ang paskong iyong nalaman na magulang mo pala si santa?

di ba kay saya ng pasko
na ang buong paligid ay nagniningning at makulay?
na muling maririnig ang mga nangangaroling na may bonus pang boomtarat-tarat bilang pasasalamat?
na ang hamon at keso de bola ay iyong nabili na?
na ikaw ay magbibigay ng regalo ng di mabigat sa loob mo?
na iyong makikitang buo muli ang iyong pamilya?
na mapapatawad mo ang lahat ng kaibigang minsang kinaiinisan?
na ikaw ay may dagdag na regalo dahil sa wakas may syota ka ngaung taong ito? o kaya sa wakas napalitan mo na ang syota mo?
na makukumpleto mo na ang simbang gabi o makikita ang gwapong sakristan na matagal mo nang pinagnanasaan?
na maraming babati sayo sa text at sa email at maiisip mo, 'kay dami ko palang kaibigan'

di ba kay lungkot ng pasko
na hindi mo nakita ang iyong mga kaibigan dahil busy ka at busy sila?
na hindi mo nasilayan ang lalake o babaeng sa dibdib mo ay nagpapagaan?
na naisip mo na kay lamig ng panahon ngunit walang yayakap sa'yo?
na alam mong imposibleng matanggap ang mga regalong talagang gusto mo?
na mahirap magautoload dahil busy ang linya ng globe?
na hindi ka man lang ma-text ng lalake o babaeng gusto mo?

hay ang pasko nga naman...
minsan lang sa isang taon, buti na lang.
sabi nila gawin nating 'araw-araw ang pasko' ...OKAY LANG KAYO?
isipin mo na lang ang gastos at mga regalo
isipin mo na kelangan maging mabait ka sa lahat dahil araw araw ay pasko
isipin mo na ang laki ng guguguling panahon sa pagbili at pagbalot ng regalo
at sinong may gustong araw araw ay kumain ng matigas na queso?
at isipin mo ang lahat ng emosyong nararamdaman tuwing palapit na ang pasko.
araw araw masaya, magulo, inis, mainit ulo, sabik, malungot, naiiyak sa tuwa o sa lungkot, namomroblema, tuliro

hay ilang araw na lang at nandito na ang pasko
uwi na ko sa probinsya ko
makikita ko na ang pamilya ko
pagkatapos ay balik na sa normal tayo
pero teka may bagong taong darating
ibig sabhin may bagong iisipin
pero bago mag-enero
babati muna ako

HANGGANG SA MULI AT MALIGAYANG PASKO!!!

No comments: