Wednesday, March 04, 2009

James Sawyer : 1971 - 2009


Jumper - Third Eye Blind

Oi Soy, kumusta ka naman, umalis ka ng walang paalam.
Langya, tae ka talaga ginulat mo kami at bigla kang nawala.
Medyo matatagalan ka siguro, kasi sinturon ang ginamit mong
sasakyan patungo sa iyong pupuntahan.

Sana dinaan na lang natin sa inuman, kahit walang pulutan.
Di naman ako mahirap isama basta magsabi lang ng maaga.
Pero siguro matagal mo din yan pinagisipan, at kahit mapalitan
ng alkohol ang dugo mo di ka rin naman namin mapipigilan.

Saglit pa lang tayong nagkasama
pero parang ang tagal na kitang kakilala.
Ok ka naman kausap kahit minsan ang hina ng boses
na lumalabas sa yong lalamunan.

Salamat sa mga araw na binigay mo sa amin,
Mga laban natin sa DotA, walang sawang yosi break,
pagsabay mo sa pag-uwi kahit nauuna kang maglakad,
pang-aasar mo kay Dean at Jabong, at sa mga inuman sessions.

Di ko man maisip kung bakit mo nagawa,
Nakalulungkot isipin na ika'y nawala,
Sana ay masaya ka sa iyong naging desisyon,
ingat sila sayo at kumusta mo na lang ako kay John Lennon.



Elektra King to James Bond: "What's the point of living if you can't feel alive."